Saturday, February 4, 2017

Sandigan Ko'y Ikaw
(an original composition fom Guiding Light Christian Church Baguio)


Sadyang ako'y namamangha sa 'Yong mga gawa
Ang mga ito'y nagpupuri sa Iyo na lumikha
Ang buwan at mga bituin
At ang araw kapag umaga
Sinisigaw ang Iyong kaluwalhatian

Nais kong umawit ng papuri sa Iyo
Mula ito sa isang pusong nagmamahal sa Iyo
Ang Iyong anak ibinigay 
Para lamang sa akin
Panginoon, walang katulad Mo

Chorus:

Aming dakilang Diyos
Noon hanggang ngayon
Tanging Panginoon
Hanggang sa wakas ng panahon
Mananatili Kang tapat sa Iyong mga anak
Panginoon
Sandigan ko'y Ikaw

Bridge:

Kaya't sa buhay ko'y walang pangamba
Pagkat Ikaw ang tangi kong kasama
Tahakin ko man ang madilim na landas
Pangako Mo'y aking makakamptan
Makakamptan

(Repeat Chorus)

No comments:

Post a Comment